Bagong PM, ihahalal ng Kongresong Thai

(GMT+08:00) 2019-06-02 10:10:34       CRI2019-06-02 10:10:35

Ayon sa Sekretaryat ng Kongreso ng Thailand, idaraos sa Hunyo 5, 2019 ang Pulong ng Kongreso upang maihalal ang bagong Punong Ministro ng bansa.

Noong Marso 24, 2019, idinaos ng Thailand ang unang pambansang halalan nitong limang (5) taong nakalipas sapul nang maganap ang coup d'etat. Boboto ang mga miyembro ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso para magkakasamang maihalal ang bagong Punong Ministro ng bansa.

Salin: Li Feng