Dumating Mayo 15 sa Beijing ang 30 mamamahayag mula sa government at private media ng Pilipinas. Matapos ang isang linggong pananatili sa Beijing, nagpunta ang grupo sa Shenzhen. Dumalaw Mayo 23, sa China Radio International ang delegasyon ng Pinoy media bilang bahagi ng China 30 seminar na hatid ng National Radio and TV Administration ng Tsina.
Ayon kay delegation head at Presidential Communications Operations Office Director Vinci Beltran, mahalaga ang China 30 program dahil natututunan nila ang tunay na kultura ng mga Tsino. Aniya pa nawawala ang mga maling-akala sa pamamagitan ng pagdalaw na ito.
Director Vinci Beltran, Presidential Communications Operations Office (PCOO)
Malaking bahagi ng gumagandang relasyon ng Pilipinas at Tsina ang pagsigla rin ng people-to-people exchange. Kinilala ni Arnel San Pedro, Editor ng iOrbit News na naka-base sa Pampanga ang papel ng media seminar sa pagsusulong ng connectivities o ugnayan sa mga tao.
Arnel San Pedro, Editor ng iOrbit News
Bahagi ng seminar ang talakayan ng mga Pinoy media kasama ang mga kinatawan mula sa media, academe at opisyal ng pamahalang Tsino. Isa sa mga paksang kanilang napag-usapan ang pagkakaroon ng malapit na koneksyon ng mga media ng iba't ibang bansa.
Florenda Querubin, Senior Reporter at Editor ng Sun Star Cebu
Sinabi ni Florenda Querubin, Senior Reporter at Editor ng Sun Star Cebu sa panayam ng CRI Serbisyo Filipino, "Essential sa panahong ito ang media convergence dahil sa rapid development ng digital technology." Importante rin aniya na laging bigyan ng updates ang mga tao upang mawala ang mistrust at lalong maunawaan ang mga hakbang ng pamahalaang Pilipino sa pakikipag-ugnayan nito sa Tsina.
Rebecca Velasquez, Pulso ng Makabagong Caviteno
Isang maliit na provincial newspaper ang Pulso ng Makabagong Caviteno. Pinatatakbo ito ng publisher na si Rebecca Velasquez. Matapos mamangha sa laki ng CRI na may 65 lengwahe, hangad niyang magawa rin sa Pilipinas ang kasing laki at lawak na media service. Balak niyang magbukas ng online digital version ng kanilang dyaryo sa hinaharap.
Ang kumpletong interview ay mapapakinggan sa audio link sa bandang itaas ng webpage.