Cuba, binatikos ang paghihigpit ng Amerika sa travel policy sa Cuba

(GMT+08:00) 2019-06-05 15:49:11       CRI2019-06-05 15:49:12

Nitong Martes, Hunyo 4, 2019, binatikos ng mga lider at opisyal ng Cuba ang pagbibigay-limitasyon sa paglalakbay ng mga mamamayang Amerikano sa Cuba na idineklara nang araw ring iyon ng Amerika. Ipinahayag nilang isasagawa ng Cuba ang malakas na katugong reaksyon.

Sa pamamagitan ng social media, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Bruno Rodríguez Parrilla ng Cuba, ang buong tinding pagtutol sa nasabing nagawang bagong limitasyon ng Amerika sa paglalakbay sa Cuba. Sinabi niya na ang layon ng bagong sangsyong ito ay pigilin ang kabuhayan ng Cuba, sirain ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan ng Cuba, at pilitin ang Cuba na gumawa ng konsesyong pulitikal.

Salin: Li Feng