Prayuth Chan-ocha, muling naihalal bilang Punong Ministro ng Thailand

(GMT+08:00) 2019-06-06 15:12:05       CRI2019-06-06 15:12:06

Sa unang pirmihang pulong ng Mataas at Mababang Kapulungan ng bagong Kongresong Thai na ginanap kagabi, Hunyo 5, 2019 sa Bangkok, ipinatalastas ni Chuan Leekphai, Pangulo ng Kongresong Thai, na nakuha ni Prayuth Chan-ocha ang lampas sa kalahating boto at naihalal bilang bagong Punong Ministro ng bansa. Ang kanyang katunggali at puno ng Future Forward Party na si Thanathorn Juangroongruangkit, ay nakakuha ng 244 boto.

Noong taong 2014, inilunsad ng panig militar ng Thailand ang coup d'etat na nagbafsak sa pamahalaan ng People's Power Party na pinamumunuan ng dating Punong Ministro na si Yingluck Shinawatra. Pagkatapos nito, sa pamumuno ni Prayuth Chan-ocha, komander ng hukbong panlupa ng Thailand sa panahong iyon, nabuo ang Pambansang Komisyon ng Pangangalaga sa Kapayapaan at Kaayusan, at nanungkulan siya bilang Punong Ministro hanggang sa ngayon.

Salin: Li Feng