Iba't-ibang lugar ng Tsina, maligayang nagdiriwang ng Duanwu Festival

(GMT+08:00) 2019-06-07 10:49:56       CRI2019-06-07 10:49:57

Ngayong araw, Hunyo 7, ay Dragon Boat Festival — mahalagang tradisyonal na kapistahan ng Tsina. Upang salubungin ang pagdating ng kapistahang ito, idinaos ng mga mamamayan sa iba't-ibang lugar ng Tsina ang makukulay na atibidad para madama ang mahusay na kultura ng Nasyong Tsino.

Ang Dragon Festival Festival ay upang gunitain ang dakilang makabayang manunula na si Qu Yuan na nabuhay higit 2,000 taon na ang nakararaan. Ito ang pinagmumulan ng kapistahang ito na kinikilala ng lahat ng Tsino.

Lampas sa 2,000 taon ang kasaysayan ng pagdaraos ng mga mamamayang Tsino sa Dragon Boat Festival. Kumakain ang mga Tsino ng suman o zongzi sa kapistahang ito at naging isa sa mga pinakatradisyonal na pagkain sa kulturang Tsino.

Salin: Li Feng