Premyer Tsino, bumati sa muling panunungkulan ni Prayut Chan-o-cha bilang punong ministro ng Thailand

(GMT+08:00) 2019-06-12 11:23:09       CRI2019-06-12 11:23:10

Martes, Hunyo 11, 2019, nagpadala ng mensahe si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Prayut Chan-o-cha, bilang pagbati sa kanyang muling panunungkulan bilang punong ministro ng Thailand.

Premyer Tsino, bumati sa muling panunungkulan ni Prayut Chan-o-cha bilang punong ministro ng Thailand

Si Prayut Chan-o-cha

Anang mensahe, nitong nakalipas na ilang taon, sa pamumuno ni Chan-o-cha, natamo ng pag-unlad ng Thailand ang kasiya-siyang tagumpay. Dagdag ni Li, mahigpit at mapagkaibigan ang relasyong Sino-Thai, at mabungang mabunga ang kooperasyon ng kapuwa panig sa konstruksyon ng Belt and Road. Nakahanda si Li na magpunyagi, kasama ni Chan-o-cha, para mapalaganap ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, mapalalim ang komprehensibo't estratehikong kooperasyon, at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

Salin: Vera