Sa kanyang talumpati sa Ika-19 na Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Estado ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-14 ng Hunyo 2019, sa Bishkek, Kyrgyzstan, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa harap ng parami nang paraming mga hamong pandaigdig, dapat ipakita ng SCO ang karapat-dapat na pandaigdig na responsibilidad; igiit ang prinsipyo ng pandaigdig na pangangasiwa na may magkakasamang konsultasyon, kooperasyon at ibinabahaging benepisyo; pangalagaan ang sistemang pandaigdig na ang nukleo ay ang United Nations; itaguyod ang multilateralismo at malayang kalakalan; at pasulungin ang kaayusang pandaigdig tungo sa mas makatarungan at makatwirang direksyon.
Salin: Liu Kai