Mga pulis ng Thailand, idedeploy para sa seguridad ng ASEAN Summit

(GMT+08:00) 2019-06-17 11:17:00       CRI2019-06-17 11:17:01

Nitong Linggo, Hunyo 16, 2019, nagpulong sa Bangkok ang panig pulisya ng Thailand para sa gawaing panseguridad sa Summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Nanawagan din ito sa mga mamamayan na huwag magdemonstrasyon sa panahon ng nasabing pangyayari.

Mula Hunyo 20 hanggang 23 ng kasalukuyang taon, gaganapin sa Bangkok ang Ika-34 na ASEAN Summit at Pulong ng mga Ministro ng Kabuhayan ng ASEAN. Bilang kasalukuyang bansang tagapangulo ng ASEAN, itataguyod ng Thailand ang nasabing kaganapan.

Ayon sa pulisya ng Thailand, mahigit 10 libong pulis ang idedeploy para maigarantiya ang seguridad ng pulong.

Salin: Li Feng