Unang direct flight sa pagitan ng Xiamen at Yangon, lumipad

(GMT+08:00) 2019-06-23 15:47:39       CRI2019-06-23 15:47:40

Unang direct flight sa pagitan ng Xiamen at Yangon, lumipad

Lumapag kahapon ng hapon, Sabado, ika-22 ng Hunyo 2019, sa Yangon International Airport, Myanmar, ang direct flight mula sa Xiamen, lunsod ng lalawigang Fujian sa timog silangang Tsina. Ito ang unang direct flight sa pagitan ng Fujian at Yangon.

Unang direct flight sa pagitan ng Xiamen at Yangon, lumipad

Ang naturang flight ay isinasaoperasyon ng Xiamen Airlines ng Tsina. Lumilipad bawat Martes at Sabado ang isang round-trip flight sa pagitan ng dalawang lugar.

Salin: Liu Kai