Diwa ng Pahayag ng Summit ng ASEAN: pagtutol sa proteksyonismo

(GMT+08:00) 2019-06-24 11:05:47       CRI2019-06-24 11:05:48

Ipininid Hunyo 23, 2019, sa Bangkok, Thailand ang ika-34 na Summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Sa nagkakaisang tinig, ipinahayag ng mga kalahok na lider ang pagtutol sa proteksyonismo, at kinatigan ang mekanismo ng multilateral na kalakalan.

Sa pahayag ng tagapangulo, inulit ng ASEAN na kumakatig ito sa mekanismo ng multilateral na kalakalang may pagpaparaya, transparency at batay sa regulasyon.

Anito pa, kinakaharap ng World Trade Organization (WTO) ang maraming hamon, at kailangang panatilihin at pahigpitin ang mekanismo ng paglutas ng mga hidwaan ng WTO.

Salin:Lele