Maigting na kalagayan ng kalakalan ng Tsina at Amerika, magbubunsod ng grabeng negatibong resulta—PM ng Singapore

(GMT+08:00) 2019-06-26 11:54:28       CRI2019-06-26 11:54:29

Ayon sa ulat ng pahayagang "Lianhe Zaobao" ng Singapore Martes, Hunyo 25, 2019, sinabi Lunes ni Punong Ministro Lee Hsien Long ng Singapore na kahit maigting ang kalagayan ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at Amerika, ito ay hindi magpapasiklab ng pandaigdigang krisis na pinansyal sa maikling panahon. Pero, aniya, sa pangmalayuang pananaw, magbubunsod ito ng pagkakawatak-watak ng siyensiya't teknolohiya, pamilihan at pagtitiwalaan ng iba't ibang bansa; makakaapekto sa estruktura ng kabuhayang pandaigdig; at magdudulot ng grabeng negatibong resulta.

Winika ito ni Lee nang kapanayamin ng Nihon Keizai Shimbun o Nikkei ng Hapon, sa bisperas ng gagawing ika-14 na summit ng G20. Ikinababahala ni Lee ang maigting na kalagayan ng kalakalan ng Tsina at Amerika. Sa kabilang dako, umaasa siyang sa pamamagitan ng pagsasanggunian ng mga lider ng dalawang bansa hinggil sa kasunduang pangkalakalan sa panahon ng gagawing G20 Summit, mapapasulong ang pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano tungo sa positibong direksyon.

Salin: Vera