Biyetnam at EU, lumagda sa kasunduan sa malayang kalakalan

(GMT+08:00) 2019-07-01 15:57:39       CRI2019-07-01 15:57:40

Nilagdaan kahapon, Linggo, ika-30 ng Hunyo 2019, sa Hanoi, ng Biyetnam at Unyong Europeo (EU) ang kasunduan sa malayang kalakalan.

Ayon sa kasunduan, unti-unting babawasan hanggang maalis ng dalawang panig ang taripa sa 99% ng mga paninda sa bilateral na kalakalan.

Pagkaraan ng Singapore, ang Biyetnam ay ang ikalawang bansang Timog-silangang Asyano na mayroong kasunduan sa malayang kalakalan sa EU.

Salin: Liu Kai