Serbisyo ng pagpapaginhawa ng pag-aangkat at pagluluwas sa hanggahan ng Tsina't Vietnam, nagsimula

(GMT+08:00) 2019-07-03 12:09:54       CRI2019-07-03 12:09:55

Pinasinayaan kamakailan ang serbisyo sa adwana ng Yunnan, lalawigan sa dakong timog-kanluran ng Tsina para mapaginhawa ang pag-aangkat at pagluluwas ng mga agrikultural at kakambal na produkto sa pagitan ng Hekou, Tsina at Lao Cai , Vietnam. Bunga nito, mapapabilis ang pagdaan sa mga prosidyur ng adwana ng mga buhay at sariwang paninda, at mga produktong madaling mabulok. Sa gayon, mapapasulong ang kalakalan ng dalawang bansa.

Ang Hekou ay ang pinakamalaking puwerto sa hanggahan ng Tsina't Vietnam. Ayon sa datos ng Adwana ng Kunming, punong lunsod ng Yunnan, noong unang limang buwan ng taong ito, umabot sa 897,000 tonelada ang inangkat at iniluwas na panindang pang-agrikultura sa Hekou, at mas mataas ito ng 50.5% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2018.

Salin: Jade
Pulido: Rhio