Mga bahay-kalakal ng Tsina sa Brunei, optimistiko sa prospek ng dibersipikasyong pang-ekonomiya

(GMT+08:00) 2019-07-08 15:18:58       CRI2019-07-08 15:18:59

Kahit nakasalalay ang kabuhayan ng Brunei sa pagluluwas ng langis, optimistiko ang mga bahay-kalakal ng Tsina ng estratehiya ng dibersipikasyong pang-ekonomiya ng bansa. Anila, magpapatuloy ang kanilang operasyon sa Brunei.

Ayon sa datos, ang pagluluwas ng langis ay bumubuo sa mahigit kalahati ng kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng Brunei. Pero, isinalaysay ni Wang Xiaolin, Presidente ng Samahan ng Bahay-kalakal ng Tsina sa Brunei na napakalaki ang pleksibilidad ng kabuhayan ng Brunei, at tumataas na ang lebel ng katatagan at sustenableng kaunlaran dahil sa pagsasagawa ng estratehiya ng dibersipikasyong pang-ekonomiya at pagpasok ng dayuhang pamumuhunan.

Salin:Lele