Temasek: kabuuang halaga ng pamumuhunan sa Tsina, umabot sa halos 403 bilyong yuan

(GMT+08:00) 2019-07-12 14:47:45       CRI2019-07-12 14:47:46

Ayon sa pinakahuling ulat ng Temasek Holdings, kilalang investment company na nakabase sa Singapore, umabot na sa halos 403 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pamumuhunan ng kompanyang ito sa Tsina. Ayon pa rin sa ulat, ang halagang ito ay katumbas ng 26% ng pamumuhunan ng Temasek sa buong daigdig, at kasama ng Singapore, ang Tsina rin ay naging bansang may pinakamalaking pamumuhunan ng kompanyang ito.

Kaugnay nito, sinabi kahapon, Huwebes, ika-11 ng Hulyo 2019, sa Beijing, ni Wu Yibing, Presidente ng Temasek sa Tsina, na ang pagtaas ng kalidad ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay nagdudulot ng maraming pagkakataon sa pamumuhunan sa bansang ito. Lipos ang Temasek ng kompiyansa sa sustenableng pag-unlad ng kabuhayang Tsino sa intermediate at long-term, dagdag niya.

Salin: Liu Kai