Lindol na may lakas na 7.2 sa Richter Scale, ikinamatay ng 1 katao sa Indonesia

(GMT+08:00) 2019-07-15 16:36:25       CRI2019-07-15 16:36:26

Ayon sa ulat ng media ng Indonesia, hanggang Martes, Hulyo 15, 2019, dahil sa lindol na may lakas na 7.2 sa Richter Scale na naganap sa Lalawigang Maluku Utara ng Indonesia, isang katao ang namatay at gumuho ang mahigit 160 pa bahay.

Linggo ng hapon, niyanig ng nasabing lindol ang katimugan ng Halmahera, Lalawigang Maluku Utara ng Indonesia. Hindi nagbunsod ng tsunami ang lindol na ito.

Salin: Vera