Bagong gabineteng Thai, nanumpa sa tungkulin; military government era, tapos na

(GMT+08:00) 2019-07-17 15:02:14       CRI2019-07-17 15:02:15

Bagong gabineteng Thai, nanumpa sa tungkulin; military government era, tapos na

Martes ng hapon, Hulyo 16 (local time), 2019, sa pamumuno ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha, nanumpa sa hari ang mga miyembro ng bagong gabineteng Thai sa kanilang tungkulin. Ito ay sumasagisag ng pormal na pagsasagawa ng bagong pamahalaang Thai ng tungkulin nito at pagtatapos ng panahon ng pamahalaang militar.

Matapos ang panunumpa sa tungkulin, idinaos ang unang pulong ng bagong gabinete kung saan tinalakay ang tungkol sa iba't-ibang polisya ng bagong pamahalaan. Ito rin ay paghahanda para gumawa ng administration report sa kongreso sa loob ng kasalukuyang buwan. Makaraang suriin at ipasa ng kongreso ang nasabing administration report, pormal na patatakbuhin ng bagong pamahalaan ang bansa.

Salin: Li Feng