Space lab Tiangong-2 ng Tsina, natapos ang takbo sa kalawakan

(GMT+08:00) 2019-07-20 14:41:28       CRI2019-07-20 14:41:29

Ayon sa China Manned Space Agency, sa ilalim ng ground control, muling pumasok sa atmospera ng planetang mundo kagabi, Biyernes, ika-19 ng Hulyo 2019, ang space lab Tiangong-2 ng Tsina. Nahulog sa nakatakdang bahagi ng South Pacific ang kaunting labi ng spacecraft na ito.

Ito ay palatandaan ng matagumpay na pagsasagawa ng lahat ng mga tungkulin sa yugto ng space lab ng manned space program ng Tsina.

Bilang unang tunay na space lab ng Tsina, inilunsad noong Setyembre 2016 ang Tiangong-2. Ang tagal ng takbo nito sa kalawakan ay mas mahaba nang mahigit 300 araw kumpara sa nakatakdang plano. Sa panahon ng pananatili sa kalawakan, apat na beses na dumaong ang Tiangong-2 sa Shenzhou-11 manned spaceship at Tianzhou-1 cargo spacecraft. Nanatili rito sa loob ng 30 araw ang dalawang astronaut. Isinagawa rin ang mahigit 60 eksperimento ng siyensiyang pangkalawakan at pagsubok na teknolohikal. Sa pamamagitan ng mga ito, natamo ng Tsina ang masususing teknolohiya at mahahalagang karanasan sa pagtatayo at pagpapatakbo ng space lab.

Salin: Liu Kai