Ika-2 Pandaigdig na Akademikong Talakayan hinggil sa Sinolohiya, idinaos sa Bangkok

(GMT+08:00) 2019-07-21 16:47:11       CRI2019-07-21 16:47:12

Idinaos kamakalawa, Biyernes, ika-19 ng Hulyo 2019, sa Bangkok, Thailand, ang Ika-2 Pandaigdig na Akademikong Talakayan hinggil sa Sinolohiya. Kalahok dito ang halos 50 dalubhasa mula sa Tsina, Thailand, Amerika, Laos, Singapore, Brazil, at iba pa.

Tinalakay nila ang hinggil sa ilang paksa ng Sinolohiya, na gaya ng pagtuturo ng wikang Tsino sa ibayong dagat, integrasyon ng pagpapakilala ng kulturang Tsino at pagtuturo ng wikang Tsino, kalagayan ng pag-unlad ng overseas Chinese sa lipunan, kultura, kabuhayan, at iba pa.

Salin: Liu Kai