2 turistang Tsino, nasawi sa sakuna sa Kambodya

(GMT+08:00) 2019-07-22 16:31:40       CRI2019-07-22 16:31:41

Naganap Linggo, Hulyo 21, 2019 sa isang kilalang tourist spot sa Siem Reap, Kambodya ang isang grabeng sakuna. Tumaob ang isang bus na may lulang 14 na turistang Tsino. 13 pasahero ang nasugatan, kabilang dito, 2 ang nasawi.

Ayon sa impormasyon ng panig pulisya sa lokalidad, nakatakas sa lugar ng aksidente ang tsuper at giyang Kambodyano.

Hinimok ng Consular Office ng Tsina sa Siem Reap ang panig pulisya na arestuhin ang nakatakas na drayber sa lalong madaling panahon, at imbestigahan ang sanhi ng aksidente.

Salin: Vera