Mga bahay-kalakal ng Pilipinas, kalahok sa Ika-3 Cross-Strait Food Fair sa Fujian

(GMT+08:00) 2019-07-22 17:04:04       CRI2019-07-22 17:04:05

Jinjiang, Quanzhou ng Lalawigang Fujian ng Tsina—Binuksan kamakailan ang Ika-3 Cross-Strait Food Fair at Ika-6 na Fujian-Taiwan (Quanzhou) Food Fair. Kalahok dito ang 456 na bahay-kalakal na Tsino't dayuhan mula sa sirkulo ng pagkain ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait at mga bansa't rehiyong gaya ng Pilipinas, Thailand, Italya at Timog Korea.

Mga bahay-kalakal ng Pilipinas, kalahok sa Ika-3 Cross-Strait Food Fair sa Fujian

Mga bahay-kalakal ng Pilipinas, kalahok sa Ika-3 Cross-Strait Food Fair sa Fujian

Ayon sa salaysay, ang kasalukuyang perya ay hindi lamang nagkaloob ng bagong plataporma para sa pagpapakita ng tunguhin ng industriya ng pagkain, pagpapalawak ng bagong pamilihan, at pagtitipun-tipon ng mga bagong yaman, kundi nakapagpatingkad din ng bagong kasiglahan para sa pagpapahigpit ng pagpapalitan ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait, at pagpapalalim ng kooperasyon ng mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road.

Mga bahay-kalakal ng Pilipinas, kalahok sa Ika-3 Cross-Strait Food Fair sa Fujian

Salin: Vera