Mataas na Pulong ng Kooperasyon ng mga Media ng Tsina at ASEAN, idinaos sa Jakarta

(GMT+08:00) 2019-07-24 14:47:34       CRI2019-07-24 14:47:35

Idinaos Hulyo 23, 2019, ang Mataas na Pulong ng Kooperasyon ng mga Media ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Jakarta, Indonesya. Dumalo sa pulong sina Martin M. Andanar, Kalihim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng Pilipinas, Fan Weiping, Pangalawang Puno ng National Radio and Television Administration ng Tsina, at iba pang mga kinatawan mula sa Tsina at mga bansang ASEAN.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Fan na ang pulong na ito ay nasa ilalim ng framework ng Taon ng Pagpapalitan ng mga Media ng Tsina at ASEAN at layon nitong mapalalim ang diyalogo at pagpapalitan ng mga departamento ng impormasyon ng Tsina at ASEAN, mapasulong ang kooperasyon at marating ang komong palagay.

Salin:Lele