Kasangguni ng estado ng Tsina, lalahok sa serye ng pulong hinggil sa pagtutulungan ng Silangang Asya

(GMT+08:00) 2019-07-26 08:59:20       CRI2019-07-26 08:59:21

Nakatakdang lumahok sa serye ng pulong hinggil sa pagtutulungan ng Silangang Asya sa Bangkok, Thailand si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina mula Hulyo 30 hanggang Agosto 3. Kabilang sa kanyang dadaluhang pulong ang Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN); Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3); Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng East Asia Summit; at Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN Regional Forum (ARF).

Kasabay nito, magsasagawa rin si Wang ng opisyal na pagdalaw sa Thailand, sa paanyaya ni Don Pramudwinai, Ministrong Panlabas ng Thailand.

Ito ang ipinatalastas ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon nitong Huwebes, Hulyo 25.

Salin: Jade
Pulido: Mac