Pagpapanumbalik ng proyekto ng konstruksyon ng daambakal sa silangang baybayin ng Malaysia, tanggap ng Tsina

(GMT+08:00) 2019-07-26 16:52:43       CRI2019-07-26 16:52:44

Ipinahayag ngayong araw, Biyernes, ika-26 ng Hulyo 2019, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang mainit na pagtanggap ng kanyang bansa sa pagpapanumbalik ng proyekto ng konstruksyon ng daambakal sa silangang baybayin ng Malaysia. Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Malay, na buong husay na isagawa ang proyektong ito, para pasulungin ang kabuhayan at lipunan sa mga lugar sa kahabaan ng daambakal na ito, at ihatid ang benepisyo sa mga lokal na mamamayan.

Winika ito ni Hua kaugnay ng pagdaraos kahapon ng Malaysia ng seremonya ng pagpapanumbalik ng nabanggit na proyekto, na dinaluhan ng ministro ng transportasyon ng bansang ito, at embahador ng Tsina sa Malaysia.

Sinabi rin ni Hua, na ipinakikita ng pangyayaring ito, na hinidi grabe ang paglitaw ng mga problema at hamon sa kooperasyon ng Belt and Road. Aniya, sa pamamagitan ng konstruktibong atityud at pangmalayuang pananaw, tiyak na pagtatagumpayan ang mga kahirapan, pasusulungin ang kooperasyon, at isasakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win result.

Salin: Liu Kai