Magkasanib na pagsasanay militar ng mga tropang panlupa ng Singapore at Tsina, sinimulan

(GMT+08:00) 2019-07-28 15:55:35       CRI2019-07-28 15:55:36

Sinimulan kahapon, Sabado, ika-27 ng Hulyo 2019, sa isang kampo ng tropang panlupa ng Singapore, ang magkasanib na pagsasanay militar ng mga tropang panlupa ng Singapore at Tsina, na may code name na "Cooperation 2019."

Sa ilalim ng paksa ng paglaban sa terorismo sa kalunsuran, 13 araw ang itatagal ng nasabing pagsasanay. Kapwa ipinadala ng tropang panlupa ng Singapore at Tsina ang 120 sundalo para lumahok sa pagsasanay. Layon nitong palakasin ang pagpapalitan ng dalawang tropa sa aspekto ng taktika, patatagin ang pundasyon ng pagtitiwalaan, at pasulungin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Salin: Liu Kai