Employers of Poland, unang supporting chamber of commerce ng CAEXPO sa labas ng rehiyon

(GMT+08:00) 2019-07-29 15:10:52       CRI2019-07-29 15:10:53

Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina—Nilagdaan Sabado, Hulyo 27, 2019 ng Secretaryat ng China-ASEAN Expo (CAEXPO) at Employers of Poland ang Memorandum of Understanding (MoU) hinggil sa kooperasyong pangkaibigan sa CAEXPO Supporting Chamber of Commerce. Ang Employers of Poland ay nagsilbing una sa mga supporting chamber of commerce ng CAEXPO sa labas ng rehiyon.

Employers of Poland, unang supporting chamber of commerce ng CAEXPO sa labas ng rehiyon

Employers of Poland, unang supporting chamber of commerce ng CAEXPO sa labas ng rehiyon

Sinang-ayunan ng kapuwa panig na palakasin ang kooperasyon, at patingkarin ang papel ng CAEXPO bilang platapormang pangkabuhaya't pangkalakalan, para magkaloob ng mas magandang serbisyo sa kalakalan, pamumuhunan at kooperasyon ng mga bahay-kalakal ng magkabilang panig.

Employers of Poland, unang supporting chamber of commerce ng CAEXPO sa labas ng rehiyon

Ang Employers of Poland na itinatag noong 1989 ay pinakamaaga't pinakamalaking organisasyon sa bansa. Ipapadala nito ang delegason para dumalo sa gaganaping Ika-16 na CAEXPO sa Setyembre, China-Poland Entrepreneurs' Roundtable Meeting, at serye ng mga aktibidad ng promosyong pangkabuhayan, pangkalakalan, at pampamumuhunan.

Salin: Vera