Unang dokumentaryo ng Tsina hinggil sa mga halaman, inilabas

(GMT+08:00) 2019-07-30 14:34:09       CRI2019-07-30 14:34:10

Unang dokumentaryo ng Tsina hinggil sa mga halaman, inilabas

Inilabas kahapon, Lunes, ika-29 ng Hulyo 2019, ng Beijing International Horticultural Exhibition Coordination Bureau ang dokumentaryong may pamagat na "The Journey of Chinese Plants."

Ito ay may 10 episode at 50 minuto ang bawat episode, at ito rin ay unang dokumentaryo ng Tsina hinggil sa mga halaman.

Isinalaysay sa dokumentaryong ito ang 28 uri ng mga halamang nagmula sa Tsina at itinatanim sa buong daigdig. Kabilang sa mga halamang ito ay tea plant, mulberry tree, palay, soy bean, kawayan, at iba pa.

Halos tatlong taon ang paggawa ng nasabing dokumentaryo, at kinuha ang mga video sa buong Tsina, at 7 ibang bansang gaya ng Amerika, Britanya, Hapon, Italya, New Zealand, Indya, at Madagascar.

Salin: Liu Kai