Manila—Idinaos Lunes ng gabi, Hulyo 29, 2019 ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas ang resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-92 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Liberation Army (PLA).
Si Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas
Ipinahayag ni Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, na iginigiit ng Tsina ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, at hinding hindi paghahangad ng hegemonismo at ekspansyon. Aktibong sumasali aniya ang PLA sa iba't ibang aksyong pamayapa ng United Nations (UN), at buong tatag na nangangalaga sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng daigdig.
Dagdag ni Zhao, ang relasyon ng mga tropa ay mahalagang bahagi ng relasyong Sino-Pilipino. Pagpasok ng taong ito, walang humpay na dumadalas ang pag-uugnayan at pagpapalitan ng mga tropa ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Pilipinas, na palalimin ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan, at magkasamang pangalagaan ang kaligtasan, kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Si Defense Secretary Delfin Lorenzana ng Pilipinas
Bumati si Defense Secretary Delfin Lorenzana ng Pilipinas sa ika-92 kaarawan ng PLA. Aniya, nakahanda ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas (AFP) na palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Tsina, sa mga aspektong gaya ng paglaban sa terorismo at ekstrimismo, pagbibigay-dagok sa transnayonal na krimen, humanitarian relief, disaster relief at iba pa.
Nagpahayag din ang kapuwa panig ng kahandaang lutasin ang mga alitan sa teritoryo ng dalawang bansa, sa mapayapang paraan.
Salin: Vera