Ika-20 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN, Tsina, Hapon, at Timog Korea, idinaos sa Bangkok

(GMT+08:00) 2019-08-02 16:38:10       CRI2019-08-02 16:38:11

Idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-2 ng Agosto 2019, sa Bangkok, Thailand ang Ika-20 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon, at Timog Korea o "10 plus 3."

Nanawagan si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa mga bansa ng "10 plus 3" na bigyang-diin ang pagkakaisa at pagtutulungan, pahalagahan ang komong pag-unlad at rehiyonal na kasaganaan, at maayos na hawakan ang mga pagkakaiba, para pasulungin ang kooperasyon ng "10 plus 3" at lumikha ng mas magandang kinabukasan ng Silangang Asya.

Binigyan naman ng positibong pagtasa ng mga ministrong panlabas ng mga bansang ASEAN, Hapon at Timog Korea ang mga bunga ng kooperasyon ng "10 plus 3." Ipinahayag nila ang pagkatig sa multilateralismo at malayang kalakalan, at ipinangako nilang tapusin sa loob ng taong ito ang talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership.

Salin: Liu Kai