Mga ministrong panlabas ng Tsina at Biyetnam, nagtagpo

(GMT+08:00) 2019-08-02 14:51:08       CRI2019-08-02 14:51:09

Bangkok, Thailand—Nakipagtagpo Huwebes, Agosto 1, 2019 si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Pham Binh Minh, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Biyetnam.

Saad ni Wang, sa kasalukuyang kalagayan, dapat palakasin ng kapuwa panig ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa iba't ibang antas, lalung lalo na, dapat mataimtim na ipatupad ang mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa. Dapat din aniyang maayos na pangasiwaan at kontrolin ang kalagayang pandagat, at maayos na hawakan ang mga alitan, sa pamamagitan ng bilateral na diyalogo at pagsasanggunian, para maiwasan ang paghadlang ng isyung pandagat sa pag-unlad ng bilateral na relasyon.

Ipinahayag naman ni Pham Binh Minh ang kahandaan ng panig Biyetnames na ipatupad ang mga komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa sa isyung pandagat, at pasulungin ang malusog na pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames.

Salin: Vera