Pagsasanay ng Tsina at Laos para sa makataong panaklolong medikal, sinimulan

(GMT+08:00) 2019-08-16 18:07:03       CRI2019-08-16 18:07:04

Pagsasanay ng Tsina at Laos para sa makataong panaklolong medikal, sinimulan

Sinimulan kahapon, Huwebes, ika-15 ng Agosto, sa Vientiane, Laos, ang Peace Train 2019 magkasanib na pagsasanay ng mga tropa ng Tsina at Laos para sa makataong panaklolong medikal.

Kalahok sa 4-araw na pagsasanay ang halos 500 sundalong Tsino at Lao. Nagsasanay sila para sa pagsasagawa ng makataong panaklolong medikal sa panahon ng kalamidad ng landslide.

Salin: Liu Kai