Mula Agost 12 hanggang Agost 14, 31 apisyunado ng pag-oobeserba ng kalikasan mula sa iba't ibang lugar ng Tsina ang nagtipun-tipon sa Jiatang Grassland, Chindu County, Yushu Tibetan Autonomous Prefecture, Qinghai Province, sa dakong hilaga-kanlura ng Tsina, para obserbahan ang mga mailap na hayop at kapaligirang ekolohikal.
Ang Jiatang Grassland na 4,200 metro ang taas sa lebel ng dagat ay pinanggagalingan din ng tatlong pangunahing ilog ng Tsina, na kinabibilangan ng Ilog Huanghe o Dilaw na Ilog, Ilog Yangtze; at Ilog Lancang, tawag sa Mekong River sa gawing Tsina.
Plateau pika
Marmot
Mga Blue sheep
Buteo
Mga Tibetan gazelle at yak
Salin: Jade
Pulido: Mac
Larawan: Xinhua