Indonesya, itatayo ang sistema ng paunang babala sa lindol batay sa teknolohiya ng Tsina

(GMT+08:00) 2019-08-16 16:02:56       CRI2019-08-16 16:02:57

Indonesya, itatayo ang sistema ng paunang babala sa lindol batay sa teknolohiya ng Tsina

Sa ilalim ng kooperasyong Sino-Indones, itatayo sa Indonesya ang sistema ng paunang babala sa lindol.

Idinaos kahapon, Huwebes, ika-15 ng Agosto, sa Jakarta, Indonesya, ang seremonya ng pagsisimula ng konstruksyon ng naturang sistema.

Ang sistemang ito ay gagamit ng teknolohiya ng paunang babala sa lindol na idinebelop ng Institute of Care-Life ng Tsina. Isinagawa ng Indonesian Agency for Meteorology, Climatology and Geophysics ang 6-taong pagsusuri sa teknolohiyang ito, at ipinasiyang gamitin ito pagkaraang bigyan ng mataas na pagtasa ang teknolohiya.

Salin: Liu Kai