(updated) 13 Tsino, patay sa bus accident sa Laos; grupong medikal ng Tsina, lumahok sa gawaing panaklolo

(GMT+08:00) 2019-08-20 16:44:22       CRI2019-08-20 16:44:23

(updated) 13 Tsino, patay sa bus accident sa Laos; grupong medikal ng Tsina, lumahok sa gawaing panaklolo

Ayon sa pinakahuling ulat, 13 mamamayang Tsino ang nasawi na sa aksidente ng bus sa Laos na naganap nitong Lunes, Agosto 19, 2019, 29 ang nasugatan, 2 iba pa ang nawawala. Bukod dito, dalawang Laos national ang nasugatan din.

(updated) 13 Tsino, patay sa bus accident sa Laos; grupong medikal ng Tsina, lumahok sa gawaing panaklolo

Martes, Agosto 20, dala ang mga medisina at kagamitan, ang "Peace Tarin" Medical Team ng People's Liberation Army (PLA) na kasalukuyang nagse-serbisyo sa Laos ay sumugod sa Luang Phrabang para makilahok sa gawaing panaklolo sa nasabing aksidente.

(updated) 13 Tsino, patay sa bus accident sa Laos; grupong medikal ng Tsina, lumahok sa gawaing panaklolo

Noong alas-15:30, Agosto 19 (local time), naganap ang isang grabeng tour bus accident na lulan ang mga turistang Tsino sa lugar na mga 40 kilometro ang layo sa Luang Phrabang, lunsod sa kahilagaan ng Laos. Ayon sa onsite information, may lulang 46 katao sa nasabing bus na kinabibilangan ng 44 na Tsino at dalawang Laos.

Salin: Lito