Tsina, tinanggihan ang pag-alma ng Biyetnam sa mga bapor na Tsino na naglayag sa exclusive economic zone nito

(GMT+08:00) 2019-08-20 09:30:39       CRI2019-08-20 09:30:40

Bilang tugon sa pagpapalabas kamakailan ng Ministring Panlabas ng Biyetnam ng protesta sa paglalayag ng scientific research ship at cost guard vessel ng Tsina sa di-umanong "exclusive economic zone" ng Biyetnam, ipinahayag kahapon, Lunes, ika-19 ng Agosto 2019, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na may soberanya ang kanyang bansa sa Nansha Islands at nakapaligid na karagatan, at mayroon ding mga soberanong karapatan at hurisdiksyon sa may kinalamang rehiyong pandagat. Laging naglalayag ang naturang mga bapor na Tsino sa loob ng karagatan sa ilalim ng hurisdiksyon ng Tsina, diin ng tagapagsalita.

Ipinahayag din ni Geng ang pag-asang igagalang ng may kinalamang bansa ang mga soberanong karapatan at hurisdiksyon ng Tsina, at pangangalagaan, kasama ng Tsina, ang kapayapaan at katahimikan sa may kinalamang rehiyong pandagat.

Salin: Liu Kai