Sakuna sa trapiko ng isang grupo ng turistang Tsino sa Laos, ikinasawi ng 8

(GMT+08:00) 2019-08-20 13:48:32       CRI2019-08-20 13:48:33

Lunes ng hapon, Agosto 19, 2019, isang grabeng sakuna sa trapiko ang naganap habang bumibiyahe ang isang bus na may lulang mga turistang Tsino mula Vientiane patungong Luang Prabang ng Laos. Ang sakunang ito ay nagbunga ng maraming kasuwalti.

Ayon sa pinakahuling impormasyon na isinapubliko ng Embahada ng Tsina sa Laos, ang nasabing bus ay may lulang 46 na tao na kinabibilangan ng 44 Tsino at 2 Lao. Hanggang Martes ng madaling araw, kabilang sa 44 na mamamayang Tsino, 8 ang kumpiradong nasawi, 29 iba pa ang ipinadala sa ospital para gamutin, 1 ang nawawala, at 6 ang naipit. Isinasagawa ngayon ang gawaing panaklolo.

Salin: Vera