Tsina, buong sikap na tumutugon sa aksidenteng kinasangkutan ng mga turistang Tsino sa Laos

(GMT+08:00) 2019-08-21 09:44:39       CRI2019-08-21 09:44:40

Ipinahayag ni Jiang Zaidong, Embahador ng Tsina sa Laos ang matinding kalungkutan sa aksidente ng bus sa Laos, na ikinamatay ng 13 turistang Tsino at ikinasugat ng 31 iba pa, na naganap nitong Lunes, Agosto 19.

Winika ito ni Jiang sa kanyang pagdalaw sa mga sugatan sa Luang Prabang, Laos nitong Martes, Agosto 20. Ipinaalam din niya ang mga isasagawang katugong hakbangin sa susunod na yugto, makaraang magkasamang magtalakayan ang mga panig ng Tsina't Laos. Uunahin aniya ang panggagamot sa mga sugatan, sa Vientiane at Luang Prabang. Aayusin ang kalagayan ng mga namatay, at buong sikap na aasikasuhin ang mga kamag-anak ng mga namatay at sugatan. Nakikilahok din sa panggagamot at paglipat ng mga sugatan ang mga tauhang medikal na kalahok sa Peace Train-2019 China-Laos joint rescue drill, dagdag pa ng embahador Tsino.

Salin: Jade

Pulido: Mac