Unang pangkat ng mga nasugatang Tsino sa aksidente ng bus sa Laos, bumalik

(GMT+08:00) 2019-08-23 12:18:23       CRI2019-08-23 12:18:24

Sa pamamagitan ng rescue helicopter ng People's Liberation Army (PLA) at flight ng China Eastern Airlines, bumalik Huwebes ng hapon, Agosto 22, 2019 sa Tsina ang unang pangkat ng 4 na malubhang nasugatan sa aksidente ng bus sa kahilagaan ng Laos.

Unang pangkat ng mga nasugatang Tsino sa aksidente ng bus sa Laos, bumalik

Unang pangkat ng mga nasugatang Tsino sa aksidente ng bus sa Laos, bumalik

Lampas sa 70 taong gulang ang naturang 4 na nasugatan. Ayon sa salaysay ng grupong medikal na Peace Train ng PLA, pagkaraan ng inisyal na paggamot ng grupong medikal, matatag ang kondisyon nila, at ipapadala sa isang ospital ng PLA sa Kunming, Lalawigang Yunnan ng Tsina, para sa ibayo pang paggamot.

Unang pangkat ng mga nasugatang Tsino sa aksidente ng bus sa Laos, bumalik

Noong Agosto 19, isang grabeng sakuna sa trapiko ang naganap habang bumibiyahe ang isang bus na may lulang 44 na turistang Tsino mula Vientiane patungong Luang Prabang ng Laos. 13 katao ang nasawi, at 31 iba pa ang nasugatan.

Salin: Vera