Mga pangulo ng Tsina at Laos, nagpadala ng mensahe sa isa't isa tungkol sa sakuna ng grupo ng mga turistang Tsino sa Laos

(GMT+08:00) 2019-08-23 12:11:37       CRI2019-08-23 12:11:38

Kaugnay ng grabeng sakuna sa trapiko ng isang grupo ng mga turistang Tsino sa Laos, nagpadala ng mensahe sa isa't isa sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Bounnhang Vorachit ng Laos.

Nagpahayag si Bounnhang ng pakikidalamhati sa mga nasawi sa nasabing aksidente, at taos-pusong pangungumusta kay Pangulong Xi at sa mga nasugatan at kamag-anakan ng mga nasawi. Aniya, patuloy at mahigpit na makikipag-koordina ang panig Lao sa mga gawain ng paggamot ng mga nasugatan at aftermath work ng panig Tsino.

Saad naman ni Xi, pagkaganap ng sakuna, mabilis at aktibong isinagawa ng iba't ibang panig ng Laos ang gawaing panaklolo, bagay na nagpapakita ng lubos na pagpapahalaga ng Laos sa relasyon ng dalawang bansa at responsableng pakikitungo sa gawain ng paghawak sa aksidente. Umaasa aniya siyang patuloy na magkokoordina ang kapuwa panig, para maayos na hawakan ang mga gawain pagkatapos ng aksidente.

Salin: Vera