Kasunduan sa ekstradisyon ng Tsina at Biyetnam, inaprobahan ng lehislaturang Tsino

(GMT+08:00) 2019-08-27 09:28:43       CRI2019-08-27 09:28:44

Inaprobahan kahapon, Lunes, ika-26 ng Agosto 2019, ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, lehislatura ng bansa, ang kasunduan sa ekstradisyon ng Tsina at Biyetnam.

Sinimulan noong Oktubre 2013 ng Tsina at Biyetnam ang talastasan hinggil sa naturang kasunduan, at nilagdaan ito ng dalawang bansa noong Abril 2015 sa Beijing.

Ang kasalukuyang pag-aaproba at pagpapairal ng kasunduang ito ay makakabuti sa pagpapalakas ng kooperasyong hudisyal ng Tsina at Biyetnam, at ibayo pang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Salin: Liu Kai