Lumipad kahapon, Martes, ika-27 ng Agosto 2019, mula sa Kuala Lumpur, Malaysia, patungong Zhengzhou, Tsina, ang isang cargo flight na may lulang 20 toneladang whole durian fruit. Ito ay unang beses na paggamit ng Malaysia ng chartered flight para sa paghahatid ng mga durian sa Tsina.
Sa seremonya ng paglipad, sinabi ni Tan Kok Wai, Espesyal na Sugo ng Malaysia sa Tsina, na ang pamilihang Tsino ay nagbibigay ng napakalaking pagkakataong pangnegosyo sa mga durian ng Malaysia. Ani Tan, inaasahang magkakaroon ng 2 hanggang 3 mga chartered flight kada linggo para sa paghahatid ng mga durian. Umaasa aniya siyang sa malapit na hinaharap, isasaoperasyon ang isang paglipad bawat araw, para isakatuparan ang nakatakdang target na ihatid bawat taon ang 8000 toneladang durian sa Tsina sa pamamagitan ng mga chartered flight.
Salin: Liu Kai