Mula Setyembre 16 hanggang 22, 2019, idaraos sa buong Tsina ang Promotion Week ng 2019 China National Cyber Security na may temang "Para sa Mga Mamamayan ang Cyber Security, Depende sa Mga Mamamayan ang Cyber Security." Sa panahong iyon, gaganapin ang maraming aktibidad na gaya ng seremonya ng pagbubukas, Cyber Security Expo, at Porum ng Cyber Security Technology.
Sa news briefing na idinaos nitong Miyerkules, Agosto 28, 2019 ng Pambansang Tanggapan ng Impormasyon ng Tsina, ipinahayag ni Liu Liehong, Pangalawang Direktor ng Office of the Central Cyberspace Affairs Commission ng Tsina, na nananatiling bukas ang internet policy ng Tsina, at hinihikayat ng pag-unlad ng internet ng bansa ang inobasyon.
Ayon kay Liu, ang pangangalaga sa personal information ay nagiging pokus at tampok ng nasabing promotion week. Hanggang noong katapusan ng nagdaang taon, umabot na sa 829 milyon ang bilang ng mga Chinese netizens. Kapwang nasa unang hanay sa daigdig ang komprehensibong puwersa at laki ng pamilihan ng internet industry ng Tsina.
Salin: Lito