Pangulong Duterte, kinatagpo ni Premyer Li

(GMT+08:00) 2019-08-30 21:35:31       CRI2019-08-30 21:35:32

Pangulong Duterte, kinatagpo ni Premyer Li

Kinatagpo ngayong araw sa Beijing ni Premyer Li Keqiang ng Tsina si dumadalaw na Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas. Sinabi ni Premyer Li na mas marami ang komong interes kaysa sa pagkakaiba sa pagitan ng Tsina't Pilipinas. Nakahanda aniya ang Tsina na pasulungin pa ang sinerhiya sa pagitan ng Belt and Road Initiative (BRI) at Build Build Build program para mapasulong ang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa.

Tinukoy rin ni Li, nananatiling matatag sa kabuuan ang kalagayan sa South China Sea, at mapayapang nakikipamuhayan ang iba't ibang bansa sa paligid ng nasabing karagatan. Taglay ang pinakamalaking sinseridad, laging nakahanda ang Tsina, kasama ng Pilipinas at iba pang mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na magsikap para marating ang Code of Conduct in the South China Sea (COC), sa panahon kung kailan ang Pilipinas ay nagsisilbi bilang bansang tagapagkoordina para sa mga relasyon ng Tsina at ASEAN. Layon nitong pasulungin ang magkasamang paggagalugad ng langis at gas sa karagatan, pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea at rehiyon. Sa gayon, maaari ring ipakita sa daigdig na may kakayahan ang mga bansa sa rehiyon na maayos na hakawan ang mga may kinalamang isyu.

Sinabi naman ni Pangulong Duterte na mataas na pinapurihan ng panig Pilipino ang mainam na relasyong Pilipino-Sino, batay sa tradisyonal na pagkakaibigan. Bunga nito, mahigpit ang pagdadalawan sa mataas na antas, maalwan ang diyalogo at komunikasyon, at matatag at progresibo ang mga pragmatikong pagtutulungan. Nagugustuhan aniya ng panig Pilipino na palawakin pa ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Tsina sa larangan ng kabuhayan at kalakalan, pagpapalitang pangkultura at iba pa, para mapasulong ang pag-unlad ng komprehensibong estratehikong relasyong pangkooperasyon at magdulot ng kapakinabangan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Diin ni Duterte, hindi kailanman makikipagkomprontasyon ang Pilipinas sa Tsina. Bilang bansang tagapagkoordina para sa mga relasyon ng Tsina at ASEAN, nakahanda ang Pilipinas na magsikap, kasama ng Tsina at iba pang mga bansa ng ASEAN, para mapasulong ang pagpirma sa Code of Conduct in the South China Sea (COC), sa loob ng kanyang termino. Nakahanda rin aniya ang Pilipinas na makipagtulungan sa Tsina sa paggagalugad ng langis at gas sa karagatan. Ang mga bansang Kanluranin ay hindi katalastasan ng COC, at hindi nila dapat hadlangan ang pagsisikap rito ng mga may kinalamang bansa sa rehiyon.

Pangulong Duterte, kinatagpo ni Premyer Li

Salin: Jade
Pulido: Mac