7 sibilyan, nasawi sa insidente ng pamamaril sa Texas, Amerika

(GMT+08:00) 2019-09-02 11:35:25       CRI2019-09-02 11:35:26

Ipinahayag Linggo, Setyembre 1, 2019 ng pamahalaan ng Odesa City, Estadong Texas ng Amerika, na tumaas na sa 7 ang bilang ng mga nasawing biktima sa insidente ng pamamaril na naganap sa naturang lunsod nitong Sabado.

Sa nasabing insidente, 8 katao ang namatay na kinabibilangan ng namaril. Bukod dito, di-kukulangin sa 21 iba pa ang nasugatan. Tatlumpung (30) taong gulang na lalaking Caucasian ang suspek, at iniimbestigahan na ang motibo ng pamamaril.

Salin: Vera