Pangalawang tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng NPC, nakipagtagpo sa delegasyong Malay

(GMT+08:00) 2019-09-03 16:46:40       CRI2019-09-03 16:46:41

Martes, Setyembre 3, 2019, nakipagtagpo si Wang Chen, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangalawang Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) sa delegasyon ng mga kongresista ng naghaharing koalisyon ng Malaysia na pinamumunuan ni Nga Kor Ming, Pangalawang Ispiker ng Mababang Kapulungan at Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Democratic Action Party (DAP).

Nagpahayag si Wang ng kahandaang palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng CPC at naghaharing koalisyon ng Malaysia, at mga organong lehislatibo ng dalawang bansa; pahigpitin ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan; pasulungin ang magkasamang pagtatatag ng Belt and Road; at gawin ang ambag para sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Malay.

Saad naman ni Nga Kor Ming, umaasa siyang mapapalakas ang pakikipag-ugnayan ng dalawang panig, at hihiramin nila ang karanasan ng CPC sa pangangasiwa sa bansa.

Salin: Vera