Renobasyon sa Channel 3 ng Lao National TV, natapos sa tulong ng Tsina

(GMT+08:00) 2019-09-06 16:50:28       CRI2019-09-06 16:50:29

Renobasyon sa Channel 3 ng Lao National TV, natapos sa tulong ng Tsina

Idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-6 ng Setyembre 2019, sa Vientiane, Laos ang seremonya ng paglilipat ng proyekto ng renobasyon sa Channel 3 ng Lao National TV na isinagawa sa tulong ng pamahalaang Tsino. Pagkaraan ng renobasyon, ang naturang channel na dating standard definition analog channel ay naging high definition digital channel na nakaabot sa maunlad na lebel ng daigdig.

Sa seremonya ng paglilipat, ipinahayag ni Bounchao Phichit, Director General ng Lao National TV, ang pasasalamat sa tulong ng pamahalaang Tsino sa naturang proyekto. Sa pamamagitan nito aniya, mapapataas ang lebel ng produksyon ng kanyang istasyon.

Sinabi naman ni Wang Qihui, Economic and Commercial Counsellor ng Embahada ng Tsina sa Laos, na ang naturang proyekto ay isa sa mga bunga ng kasalukuyang taon ng kultura at turismo ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang pagkaraan nito, palalalimin pa ng Tsina at Laos ang kooperasyon sa aspekto ng media.

Salin: Liu Kai