Wang Yi, nakipagtagpo sa Prinsesang Bruneian

(GMT+08:00) 2019-09-06 10:41:53       CRI2019-09-06 10:41:54

Beijing, Tsina—Nakipagtagpo Huwebes, Setyembre 5, 2019 si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Prinsesa Hajah Masna ng Brunei.

Saad ni Wang, sa mula't mula pa'y nauunawaan, iginagalang at kinakatigan ng Tsina at Brunei ang isa't isa. Nagsilbing mahalagang partner ng magkasamang pagtatatag ng Belt and Road ang dalawang bansa. Kinakatigan aniya ng panig Tsino ang estratehiya ng Brunei sa pagpapasulong sa pagkakaiba-iba ng kabuhayan, at nakahandang pasulungin, kasama ng panig Bruneian, ang magkasamang paggagalugad sa dagat at kooperasyon sa East ASEAN Growth Area.

Wang Yi, nakipagtagpo sa Prinsesang Bruneian

Nagpahayag naman si Prinsesa Masna ng kahandaan ng Brunei na gawing pagkakataon ang Taon ng Turismo ng Tsina at Brunei sa taong 2020, para mapalawak ang pagpapalitan ng mga tauhan, at mapasulong ang estratehiko't kooperatibong partnership ng dalawang bansa.

Salin: Vera