Personaheng Indonesian: umaasang pasusulungin ng CAExpo ang kooperasyong pangkalakalan ng Tsina't ASEAN

(GMT+08:00) 2019-09-09 10:24:54       CRI2019-09-09 10:24:55

Nakatakdang idaos sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina ang Ika-16 na China-ASEAN Expo (CAExpo) mula ika-21 hanggang ika-24 ng Setyembre, 2019. Country of honor sa gaganaping CAExpo ang Indonesia. Sa panayam sa China Media Group, ipinahayag ni Thomas Trikasih Lembong, Tagapangulo ng Indonesian Investment Coordinating Board, na ang CAExpo ay isang napakahalagang plataporma ng kooperasyong pangkalakalan, at pasusulungin nito ang kooperasyong pangkalakalan ng Tsina at iba't ibang kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Personaheng Indonesian: umaasang pasusulungin ng CAExpo ang kooperasyong pangkalakalan ng Tsina't ASEAN

Dagdag niya, sa kalagayan ng pag-usbong ng proteksyonismong pangkalakalan at paglitaw ng iba't ibang matinding hamon, kailangang palakasin ng iba't ibang bansang ASEAN ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Tsina, at pahigpitin ang pagkokomplemento sa Tsina sa maraming larangan.

Umaasa rin siyang susubaybayan ng CAExpo ang tunguhin ng pag-unlad ng teknolohiya, lalung lalo na, sa aspekto ng ecommerce, at lubos na gagamitin ang pinakamodernong teknolohiya, para isagawa ang inobasyon sa larangan ng kalakalan at serbisyo.

Salin: Vera