Premiere ng mga klasikal na pelikula at TV production ng Tsina, ginanap sa Yangon

(GMT+08:00) 2019-09-16 15:07:02       CRI2019-09-16 15:07:03

Yangon, Myanmar—Ginanap Sabado, Setyembre 14, 2019 ang premiere ng mga klasikal na pelikula at TV production ng Tsina. Magkakasunod na itatanghal sa mga manonood ng Myanmar ang mga klasikal na TV series ng Tsina na gaya ng Journey to the West at Romance of Three Kingdoms, at isang pangkat ng mga namumukod na dokumentaryo na gaya ng Hexi Corridor at What's Cookin' in China.

Premiere ng mga klasikal na pelikula at TV production ng Tsina, ginanap sa Yangon

Premiere ng mga klasikal na pelikula at TV production ng Tsina, ginanap sa Yangon

Ipinahayag ni Chen Hai, Embahador ng Tsina sa Myanmar na nakahanda ang kanyang bansa, kasama ng Myanmar, na sa ilalim ng background ng magkasamang pagtatatag ng Belt and Road at economic corridor ng Tsina at Myanmar, pasulungin ang pagpapalitang kultural ng kapuwa panig. Nananalig aniya siyang ang pagpapalitang kultural ay magiging positibong puwersa sa pagpapasulong ng relasyon ng dalawang bansa.

Premiere ng mga klasikal na pelikula at TV production ng Tsina, ginanap sa Yangon

Salin: Vera