Aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC, idinaos sa katimugan ng Thailand

(GMT+08:00) 2019-09-23 15:03:42       CRI2019-09-23 15:03:43

Aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC, idinaos sa katimugan ng Thailand

Sa pagtataguyod ng mga samahan ng mga overseas at etnikong Tsino sa katimugan ng Thailand, idinaos kamakailan sa lalawigang Songkhla ng bansang ito, ang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republikang Bayan ng Tsina (PRC).

Aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC, idinaos sa katimugan ng Thailand

Itinampok sa aktibidad ang mga natamong bunga ng Tsina nitong 70 taong nakalipas, magandang relasyon at kooperasyon ng Tsina at Thailand, at pandaigdig na kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative na itinataguyod ng Tsina.

Aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC, idinaos sa katimugan ng Thailand

Dumalo sa aktibidad sina Pangalawang Punong Ministro Wissanu Krea-ngam ng Thailand, at Embahador Lv Jian ng Tsina sa Thailand. Lumahok din dito ang mga opisyal ng gabinete at lokal na pamahalaan ng Thailand at mga kinatawan ng mga overseas at etnikong Tsino sa katimugan ng Thailand.

Salin: Liu Kai